Friday, September 6, 2013

Buwan ng Wika sa Pisay
s.y. 2013-2014


Isang litrato sa mga taong kasama sa lirikong pagsasayaw at sa mga kasama sa katutubong sayaw... Nagpapicture kasama si ginang Analisa Mortola.

               Ito ang aming buwan ng wika, masaya, nakaka-aliw at higit sa lahat marami kaming napalanunan. Noong huling araw ng Agosto ay ginanap natin ang buwan ng wika sa Philippine Science Highschool Central Mindanao Campus kung saan ang ating tagapagsalita ay ginoong Rolex Teolohiya. Sobrang "busy" ng lahat nang malapit magsimula ang mga paligsahan. Lahat ay abalang-abala sa paghahanda at tila hinahabol ng mga kriminal at pulis. Sa wakas, handa na kami. Dala-dala ang aming mga "costume" at iba pang mga kagamitan ay naghihintay na kami kung kailan kami magtatanghal.

                    Isa pala ako sa mga nagtanghal sa Lyriko ng mga ika-tatlong baitang na estudyante. Doon kung saan kami naghintay kung kailan kami tatawagin, nakita din namin ang aming "batch mates" na sasayaw ng katutubong sayaw. Hay ang saya at sarap talangang malaman na ang lahat ng aming pinaghirapan ay mayroon din nakamtan. Sapagkat kami ay nanalo sa dalawang tao na magkakanta na si Piya Lyn at si ginoong Vic Kristian at kampiyon ulit kami sa katutubong sayaw at sa lirkong sayaw. 

Ang dalawang grupo, ang katutubong sayaw at Lirikong mananayaw.

Lahat ng aming nakamit ay aming inaalay sa ating maykapal sana tayo ay maging mas malapit sa kanya sa mga masasaya at malulungkot na panahon sa ating buhay. Huwag kalimutang magpasalamat at magdasal palagi sa ating panginoon. Salamat :)))

No comments:

Post a Comment